2 drug suspek, arestado sa Makati City

39

Huli sa ikinasang buy-bust operation ng Makati PNP ang dalawang drug suspek sa Barangay Pio Del Pilar sa Makati City.

Kinilala ang mga naaresto na sina; Herminigildo Lesaca, 48-anyos at Joy Montes 33-anyos.


Sa ulat ng Makati PNP, nagsasagawa ang kanilang mga tauhan ng routine patrol bahagi ng Barangay Pio Del Pilar nang makita nila ang dalawang lalaki at isang babae na nagkakaroon ng illegal drugs transactions.

Kaya naman agad na inaresto ang mga ito pero nakatakbo ang isang lalaking suspek.

Nang kapkapan naman ang dalawang nahuling suspek ay nakuha sa kanila ang dalawang piraso ng medium heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may nakasulat na “Gildo” at “Joy” na umaabot sa 0.20 grams at may value na 1,360 pesos.

Sa ngayon nahaharap na ang mga nahuling suspek sa kasong palabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Facebook Comments