2 empleyado ng LRT Line 2, positibo sa COVID-19

21

Dalawang empleyado ng LRT Line-2 ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Atty. Hernando Cabrera, kapwa office-based at sakop ng pinaiiral nilang work-from-home at skeletal working arrangement ang dalawa.


Naka-isolate na aniya ang mga ito bago pa man mabatid na positibo sila sa virus.

Pagtitiyak ng pamunuan ng LRT-2, hindi sila matutulad sa sitwasyon ngayon ng Metro Rail Transit-3.

Facebook Comments