2 gusali ng Christ the King Seminary sa New Manila, Quezon City, isinaialalim sa special concern lockdown

Inilagay na sa special concern lockdown ang Villa Cristo Rey at Fininman building ng Christ the King Seminary sa New Manila, Quezon City.

Ito ay matapos masawi ang isang pari dahil sa COVID-19 habang 24 na indibidwal ang nahawa sa sakit.

Ayon sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, siyam na pari at 11 staff ang nagpositibo sa COVID-19.


Bukod sa Christ the King, naka-lockdown din ang iba pang religious facility sa lungsod na Stella Maris Convent, Religious of the Virgin Mary at Convent of the Holy Spirit.

Facebook Comments