Inilunsad ng Pangasinan Police Provincial Office ang 2-HOUR HABIT upang mapaigting ang seguridad sa probinsya. Ang programang ito ay isang estratehiya upang mapigilan ang kriminalidad, lalo na sa mga alanganing oras ng gabi.
Sa ilalim ng “2-HOUR HABIT,” sabay-sabay na magsasagawa ng pagpapatrolya ang mga mobile patrol cars at motorcycle patrollers sa kani-kanilang nasasakupan sa loob ng dalawang oras.
Layunin nitong mapanatili ang presensya ng mga pulis upang maiwasan ang anumang uri ng krimen at mapanatili ang kapayapaan sa buong lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments