2 karagdagang domestic flight, kanselado dahil sa sama ng panahon

62

Dalawa pang karagdagang domestic flights ng Philippine Airlines (PAL) Express ang kinansela ngayon umaga dahil sa masamang lagay ng panahon sa ilang lalawigan sa bansa.

Kabilang sa kinansela ang PAL flight 2P 2923 at 2924 mula Manila patungong Legaspi, at pabalik ng Manila.

Nauna nang kinansela ng nasabing airlines ang dalawa nilang domestic flights kaninang umaga mula Manila to Tacloban at pabalik ng Manila dahil sa masamang panahon sa lalawigan.


Muling pinayuhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga apektadong pasahero na alamin muna sa kanilang airlines ang mga flight schedule bago magtungo ng paliparan.

Facebook Comments