2 katao arestado , mga baril nakumpiska

25

Arestado ng pinagsanib na pwersa ng CIDG ARMM, Sultan Kudarat Municipal Police at PNP Provincial Mobile Force Company ang 2 katao matapos lumabag sa RA 10591 at base na rin sa warrant of arrest na inissue ni Hon. Judge Banzawan Ibrahim ng RTC 12.

Kinilala ng mga otoridad ang mga nahuli na sina Aliudin Madayang, Abir Baguio, habang di naabotan ang isa pang suspek na si Samad Baguio mga nasa tamang edad at mga residente ng Brgy. Gang,Sultan Kudarat,Maguindanao.

Kabilang sa mga nakumpiska sa mga ito ang isang unit of M16 A1 rifle with one short magazine loaded with 12pcs of live ammos, (2) units ng SAS shotgun with 2 magazines loaded with 6pcs ammos, at (1) unit of cal. .45 pistol with one magazine loaded with 4 pcs of live ammos.

Kasalukuyang himas rehas na ang mga naaresto sa selda ng CIDG ARMM.

Facebook Comments