2-KATAO, ARESTADO SA IKINASANG BUY BUST OPERATION SA SAN CARLOS CITY

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Kulong ang abot ng dalawang katao matapos mahulian ng mga ipinagbabawal na gamot sa isinagawang buy bust operation sa lungsod ng San Carlos sa Pangasinan.

Napag-alaman ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa ikinasang buy operation na sina Orlando Paningbatan at Ren Solar parehong residente sa nasabing lungsod.

Base sa report, ikinasa ang naturang operasyon pasado alas 5:00 kahapon na kung saan ay nakuha sa mga ito ng aabot sa apat na sachets ng hinihinalang shabu, illegal drug paraphernalia at ang buy bust money na ginamit sa ilegal na gawain.


Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng awtoridad ang mga suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa dalawa.

Facebook Comments