2 katao arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Maguindanao

Arestado ang isang 23 anyos na lalaki na may kasong Murder sa bayan ng Upi sa Maguindanao.
Sa report mula kay Pro ARMM Spokesperson SI Jemar Delos Santos kinilala nito ang naarestong suspek na si Jayson Edas alyas Edison Edas Usman residente ng Sitio Kapilit Brgy Blensong Upi Maguindanao.
Inaaresto si Edas sa Palileo Brgy Nuro base sa Arrest Warrant na inisyu ni Hon Kasan Abdulrakman ng RTC 27.
Kasalukuyang nasa lock up cell nan g UPI MPS ang naarestong si Edas.
Arestado rin sa Buy Bust Operation sa Brgy Salimbao Sultan Kudarat ang isang 29 anyos na lalaki.
Kiniala ang nahuling suspek na si Billy Glenn Abo, mekaniko na nakumpiskahan ng 4na sachet ng shabu.
Sinasabing pinangunahan ng SKMPS ang operasyon matapos na magpanggap ng posser buyer ang isa sa mga pulis.
Himas rehas na ngayon sa selda ng SK MPS ang nahuling si Abo.
GOOGLE PIC

Facebook Comments