2 Katao na Most Wanted sa Isabela, Arestado

222

Cauayan City, Isabela- Bagsak na sa kamay ng mga alagad ng batas ang dalawang (2) Top Most Wanted sa municipal at provincial level sa Lalawigan ng Isabela.

Ang itinuturing na Top 1 most wanted sa municipal at provincial level sa Isabela na kinilalang si Fraylito Dela Cruz, 61 taong gulang, may-asawa, trabahador at residente ng Brgy. Cabaruan ng Bayan ng Quirino.


Natimbog dakong alas 7:30 kaninang umaga si Dela Cruz sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng mga kasapi ng Quirino Police Station sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong Murder at Frustrated Murder si Dela Cruz kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, arestado rin ng mga kasapi ng PNP San Manuel ang Top 4 at 5 sa municipal level na kinilalang si Marites Ortiguero, 33 taong gulang, walang asawa, saleslady, residente ng brgy. Sandiat West, San Manuel, Isabela na pansamantalang nangungupahan sa Brgy Sumacab Este, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Dinakip si Ortiguero sa bisa ng warrant of arrest para sa kaso nitong Robbery na may kaukulang piyansa na Php24,000.00.




Ang dalawang akusado ay nasa pangangalaga ng pulisya at nakatakdang ipasakamay sa kanilang court of origin.

Facebook Comments