2 KATAO NAKUHANAN NG 136KHALAGA NG SHABU, SA MAGKHAHIWALAY NA OPERASYON NG PULISYA

Timbog ang dalawang katao sa lalawigan ng Pangasinan matapos ang ikinasang mga buy-bust operation ng awtoridad.

Sa magkahiwalay ng operasyon, arestado ang isang 35 anyos na lalake, at residente rin ng Alaminos City.

Nakuha ang 10 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng nasa P68, 000. Nasamsam din ang sampung gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68, 000 sa isang 44 anyos na lalaki mula sa Dagupan City.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments