2 katao, patay sa pag-atake sa isang TV station sa Afghanistan

24

Afghanistan – Nasawi ang dalawang katao matapos ang pag-atake ng mga armadong kalalakihan sa TV station sa eastern Afghanistan.

Napatay din ng mga rumespondeng security forces ang apat na suspek kasama na ang isang suicide bomber habang arestado naman ang isa matapos ang pag-aatake sa radio television Afghanistan sa lungsod ng Jalalabad.

Sa dalawang napatay na sibilyan ay isa sa mga ito ay empleyado ng naturang kumpanya.

Malaki ang hinala ng mga otoridad na pawang mga makakaliwang grupo ang umatake subalit hindi pa rin nila tukoy kung anong grupo ang mga ito.
DZXL558

Facebook Comments