2 kilo ng shabu, nakumpiska sa dalawang drug suspek sa Taguig City

90

Hinuli ng mga tauhan ng Taguig City Police Station ang dalawang drug suspek matapos makuhanan ng dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon.

Kinilala ang dalawang naaresto na sina; Melanie Capin, 35-anyos residente Dasmariñas Cavite at Jeffrey Sadiasa, 31-anyos residente ng Las Piñas City.


Batay sa ulat ng Southern Police District, ikinasa ang buy-bust operation matapos makumpirma ang impormasyon laban sa dalawang suspek.

Nakuha sa kanila ang dalawang kilo ng shabu, isang cellphone, driver’s license at buy-bust money.

Sa ngayon, nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang nahuling suspek.

Facebook Comments