2 kotong cops, timbog sa entrapment operations ng PNP sa Payatas

61

Timbog ang dalawang police officer matapos ang isinagawang entrapment
operation ng mga tauhan ng Counter Intelligence Task Force sa Payatas,
Quezon City kaninang mag-a-alas dos ng hapon.

Sa ulat ni CITF head Sr. Supt. Chiquito Malayo kinilala ang mga naarestong
police officer na sina PO3 Anthony Tecson and SPO2 Raul Nadera, kapwa
nakatalaga sa Traffic Division ng QCPD.

Kasamang naaresto ng dalawang suspek ang siyam na empleyado ng Quezon City
na nagsasagawa ng random smoke belching test sa mga motorist.

Bago ang entrapment operation, nakakatangap na ng reklamo ang mga taga-CITF
sa ginagawa ng dalawang pulis sa umanoy pagharang sa mga motorista na
umanoy may paglabag sa anti smoke belching campaign ng lungsod.

Pagkatapos maharang ang sasakyang pinapapili ang motorista kung sasailalim
sa muli sa test o magbibigay ng pera.

Nation”

Facebook Comments