2 lalaki at dalawang menor de edad, hinuli dahil sa Curfew, kalaboso ang bagsak dahil sa droga

60

Kulungan ang bagsak ng Apat lalaki matapos itong nakuhanan ng droga ng mga otoridad.

Nakilala ang mga suspek na sina Danny Delfin Monta, 37-anyos; at Rafael Kyle Ignacio Deguillo, 19-anyos.


Hinuli rin ang dalawang  kasamang binatilyo na nasa 16-Anyos at 15-anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang 1.5 grams ng shabu na may katumbas na halaga na 10,200.00.

Batay sa ulat ng pulis, nakatambay ang mga suspek sa Manarapa Street Barangay New Lower Bicutan, Taguig City, pasado alas-tress kaninang madalung araw, Kaya sinita ito ng mga nagpapatrolyang pulis habang ipinatutupad ang curfew hour sa nasabing lugar.

Pero, nang kapkapan ang mga ito ng mga pulis, doon nakuha sa kanila ang hinihinalang shabu.

Nahaharap ang Mga suspek sa patongpatong na kaso tulad ng Proclamation 922 kauganay sa article 151 ng Revised Penal Code, Republic Act 11332 at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Facebook Comments