Dalawang lalaki, huli sa paglalaro ng tupada sa Parañaque City

Arestado ang dalawang lalaki matapos mahuli sa aktong naglalaro ng tupada sa Barangay Sun Valley, Paranaque City.

Kinilala ang mga ito na sina Inesito Vermon, 48-anyos; at Renato Cella, 39-anyos, kapwa residente ng lungsod.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nagsasagawa ng ‘Oplan Galugad’ ang mga pulis sa Parañaque sa may Barangay Sun Valley nang isang concerned citizen ang nagbigay sa kanila ng impormasyon sa nangyayaring tupada.


Kaya agad rumesponde ang mga pulis at nakita sa akto ang pag-uumpukan ng tatlo dahil sa paglalaro ng tupada kaya sila inaresto.

Nakuha sa kanila ang dalawang panabong na manok, isa ay buhay at isa ay patay habang nakuha rin ang ₱550 bet money.

Sa ngayon, nahaharap na sa kaso ang mga naaresto.

Facebook Comments