2 lalaki na umanoy nagbebenta ng baril at iliga na droga, arestado isinagawang operasyon ng PNP CIDG ATCU sa Imus Cavite

114

Manila, Philippines – Arestado ang magkapatid na lalaki na umanoy sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga at baril sa Imus Cavite kaninang umaga.

 

Kinilala ang magkapatid na sina Lhar Anthony Dayacap at Ernie Boy Dayacap na taga-Buhay na Tubig, Imus Cavite.

 

Ayon kay CIDG Anti-Transnational Crime Unit Chief, Supt Roque Merdeguia, matapos ang inilabas na search warrant ng National Capital Region Judicial Region Branch 89, agad na ikinasa ng operatiba ng CIDG ATCU ang operasyon pasado alas sais ng umaga kanina at naging target nila ang bahay ng magkapatid sa Brgy. Buhay na Tubig Imus, Cavite.

 

Dito nila nadiskubre ang ilang drug paraphernalia, marijuana at 38 revolver o paltik.

 

Narekober rin ang dalawang endangered species na pagong.

 

Sinabi pa ni Merdeguia, nito lamang pagpasok ng buwan ng Marso ay isinailalim nila surveillance ang dalawa dahilan para maikasa ang matagumpay na operasyon.

 

Sa ngayon nahaharap ang dalawa sa mga kasong paglabag sa RA 10591- Comprehensive Firearms and Ammunition Law, RA 9165 o Comprehensive of Dangerous Drugs Act  at paglabag sa Marine Wildlife Act o RA 9147.



Facebook Comments