2 lalaki na wanted sa kasong frustrated homicide, arestado sa Oplan Pagtugis Operation

9

Banga, Aklan – Arestado sa isinagawang Oplan Pagtugis Operation ng Banga PNP ang dalawang lalaking wanted sa kasong Frustrated Homicide. Sa report ng Banga PNP kinilala ang mga naaresto na sina Allen Dela Cruz, 61- anyos ng Brgy. Linabuan Sur, at Roel Placido, 26-anyos ng Brgy. Mambog sa nasabing bayan. Inaresto ang mga ito sa pamamagitan ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No.15915 na inisyu ni Hon.Nelson Jiz Bartolome, Presiding Judge, RTC, 6th Judicial Region, Branch 8, Kalibo, Aklan na may petsang September 16, 2021. Sa ngayon ang dalawa ay nakatakdang iharap sa nasabing korte. Kung matatandaan, na itong sina Dela Cruz at Placido ay ang itinuturong suspek sa pamamaril at pananaga noong January 19, 2021 ng gabi sa San Isidro, Banga sa biktimang si Joselito Mallari, 58-anyos ng nasabing lugar.

Facebook Comments