2 lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Taguig

Taguig City – Patay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang suspek sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Kinilala ang isa sa mga biktima na si Lindon Trinidad, 29-anyos habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pa.

Sa ulat, nakarinig na lamang ang mga residente ng hindi bababa sa walong putok ng baril.


Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng kalibre ng baril sa lugar.

Inaalam pa rin ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments