2 lalaki, patay sa pamamaril sa Marikina City

Manila, Philippines – Patay ang mag bilas matapos pagbabarilin ng limang armadong lalaki sa Pipino St. Brgy Tumana, Marikina City.
 
Ayon kay Police Senior Supt. Lorenzo Julanday, nasa drug watch list ng brgy. ang mga biktimang sina Jeffrey Sumayan at bilas nitong Si Lori Dela Cruz.
 
Kwento ng 15 na pangking ng mga biktima, nakatakip ang mga mukha ng mga suspek na sapilitang pumasok sa kanilang bahay at pinagbabaril si Sumayan at sinunod si Dela Cruz.
 
Nabatid na kalalabas lang ng bilangguan ni Sumayan matapos makapagpiyansa sa kasong may kinalaman sa droga.
 

Facebook Comments