2 lalaki sa Makati huli sa aktong nagpapataya ng lotteng, arestado

45

Hindi na pumalag ang dalawang lalaki matapos maaktohan ng mga pulis na nagpapataya sa sugal na lotteng sa loob ng Guadalupe Wet Market ng Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City pasado alas-7:15 kagabi.

Nakilala ang mga suspek na sina francisco Manansala Enriquez, 62-anyos nakatira sa nasabing Barangay at Mesias Malle Necio, 45-anyos at taga Barangay Cembo.


Narekober ng mga pulis mula sa dalawang suspek ang 1,000.00 na ginamit bilang pantaya at mga gamit nito tulad ng papel na may mga numero at ballpen.

Ayon kay Police Corporal Gregorio Rollan ng Makati PNP, naabutan nilang nagpapataya ng lotteng ang dalawang suspek habang nagsasagawa sila ng Anti-criminality at Anti-illegal Gambling Operation.

Nakapiit na ang dalawang suspek sa Makati PNP custodial facility at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Presidential Degree (PD) 1602 o Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling.

 

 

Facebook Comments