2 lalaking kasama sa drug watch list ng Taguig City, arestado

Timbog ang 2 lalaking tulak umano ng droga sa Taguig City matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa mga ito bandang alas-5:30 kahapon ng hapon.

Nakilala ang mga suspek na sina Michael Beliber Berdol, 40-anyos at si Marcelino Ferrer Federiz, 40-anyos, parehong residente ng Barangay North Signal, Taguig City.

Nakuha ng mga pulis mula sa 2 suspek ang 2.52 grams ng shabu na may katumbas na halaga ng 17,136.00.


Napagalaman ng mga pulis na kasama pala sina Berdol at Federiz sa drug watch list.

Nangyari ang nasabing operasyon sa Balimbing St., kanto ng 8th St. Barangay North Signal ng Taguig City.

Nakakulong na ang mga suspek sa Taguig Custodial Facility at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments