2 magsasaka, patay matapos bumangga ang sinasakyang motor sa isang van sa Cagayan

20

Manila, Philippines – Patay na nang dalhin sa pagamutan ang dalawang magsasaka matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang starex van sa bayan ng Sanchez Mira, Cagayan.

Kinilala ang mga biktima na sina Hill Adrian Irorita, 21, driver at ang angkas nitong si Rowel Castillo, 25, kapwa residente sa bayan ng Pudtol, Apayao.

Ayon sa imbestigasyon, tinatahak ng motorsiklo ang direksiyon patungong Pamplona, Cagayan habang nasa kabilang lane naman ang van na minamaneho ni Ernesto Duldulao, 28-anyos ng Ilagan City, Isabela.

Sinasabing bigla na lamang umagaw sa linya ang motorsiklo dahilan para bumangga ito sa van na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.

Kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property ang kinakaharap ngayon ng suspek na nasa kustodiya ng PNP.
Nation”

Facebook Comments