2 milyong Pilipinong nakarehistro na sa PhilSys, gumawa ng account sa LandBank

165

Higit dalawang milyong miyembro na ng Philippine Identification System (PhilSys) ang gumawa ng account sa LandBank of the Philippines nitong April 30.

Ayon kay LandBank President at CEO Cecilio Borromeo, katuwang sila ng gobyerno upang iprayoridad ang mga Pilipinong walang bank account.


Umabot naman sa 2,481,788 na PhilSys registrants ang nagbukas ng LandBank Banking Cards (ABCs).

Ang LandBank ABCs ay libre at walang initial deposit para sa mga low-income households na mabibigyan ng basic banking services at emergency government subsidies.

Facebook Comments