2 miyembro at supporters ng dawlah Islamiya o Maute group sumuko sa militar sa Lanao Del Sur

89

Kusang loob na sumuko sa tropa ng 49th Infantry Batallion ng Philippine Army ang dalawang miyembro ng Dawlah Islamiya o Maute group at dalawa pa nilang supporter sa Masiu, Lanao del Sur.

Kinilala ang sumukong miyembro ng terrorist group na sina Camar Gampong Musa, alyas  Camar at Nasroding Comayog Patiilan, alyas Sangcopan.


Habang ang mga sumukong supporter ay sina  Badroding Gampong Patiilan at Pacalinog Patiilan Comayog, mga residente ng Barangay Cormatan Masiu Lanao Del Sur.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga baril partikular ang isang Caliber 5.56mm, M16A1-Elisco Rifle, 1 Colt 45 pistol, at mga bala.

Sa ngayon nasa kustodiya ng 49th infantry Batallion ang mga sumuko at kanilang mga baril.

Facebook Comments

From Advertisers