2 most wanted persons sa Quezon City, naaresto

Nahuli ng mga tauhan ng Eastwood Police Station at Project 6 Police Station ang dalawang most wanted persons sa Quezon City.

Sa Quezon City Police District, unang naaresto ang wanted person na si Dandi Carao, 46 anyos, na nadakip sa Brgy. San Jose, Antipolo City.

Siya ay may kasong qualified theft at estafa.


Habang ang isa pang naaresto ay si Bonifacio Lamsin Jr., 39 anyos, na nahuli sa lugar kung saan siya nakatira sa Brgy. Paltok, San Francisco Del Monte, Quezon City.

Si Lamsin Jr., ay may kasong theft at kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Sa ngayon, nakakulong na ang dalawa.

Facebook Comments