2 naarestong akusado sa Maguindanao Massacre case, pinalilipat na sa Camp Bagong Diwa

34

Ipinagutos ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes na ilipat sa Camp Bagong Diwa ang dalawang naarestong akusado sa Maguindanao Massacre.

Sa committment order ng hukom, ipinalilipat sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa mula sa parang Municipal Police Station sina Kagi Faizal alyas Faizal Baga Dimaukom at Gambayan Kasim alyas Lori Alip.


Nadakip si Faizal noong Enero a-sais habang si Alip ay noong Enero a-nuebe.

Kaugnay nito, itinakda ng judge ang arraignment o pagbasa ng sakdal sa dalawa sa Enero a-bente uno sa ganap na alas nuebe ng umaga para sa kasong multiple murder.

Ang dalawa ay kabilang sa mga akusadong at large na hindi kasama sa naging promulgation sa kaso noong Disyembre.

Facebook Comments