2 nakatatandang nagpositibo sa Delta variant, hindi pa bakunado

51

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Region 6 Western Visayas na hindi pa bakunado sa COVID-19 ang dalawang nakatatanda na nagpositibo sa Delta variant sa Antique.

Isang 78-year-old na babae ang isa sa nagpositibo sa Delta variant na namatay noong May 31.

Habang ang isang 79-year-old na lalake na gumaling sa Delta variant noong June 13 ang tinamaan din ng nasabing variant.


Ayon kay Dr. Ma. Sophia Pulmones, Hepe ng Local Health Support Division ng DOH Region 6, May 28 nang magpositibo sa swab test ang dalawa.

Kapwa aniya walang travel history ang dalawa kaya posibleng sa kanilang lugar nahawa ang mga ito.

Nagpapatuloy naman ang contact tracing hanggang sa 3rd generation ng mga nakasalamuha nila bagama’t ang close contacts ang prayoridad.



Facebook Comments