2 operator ng limang palengke sa Maynila, sinisingil ng Manila City Government sa utang na mahigit P25-million

72

Binigyan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ng 72-oras o 3 araw ang dalawang operator ng limang palengke sa Maynila para bayaran ang mahigit 25-million pesos na kabuuang utang ng mga ito sa Manila City Government.

Ito ay ang XRC mall developers Inc. at ang Marketlife Management and Leasing Corporation.


Ang XRC ang operator ng Sta. Ana Market, San Andres Market, sampaloc Market at Trabaho Market habang ang Marketlife naman ang nagpapatakbo sa Quinta Market.

Ayon kay Mayor Isko, simula noong 2017 ay hindi natupad ng dalawang market operators ang halaga na dapat nitong iremit sa Manila City Government kada taon base sa kanilang joint venture agreement sa nakaraang estrada administration.

Umaabot sa 14.38-billion pesos ang utang ng XRC sa Manila City Government simula noong April 2017 hanggang 2019 habang mahigit 11.16- million pesos naman ang dapat bayaran ng Marketlife.

Dismayado si Mayor Isko dahil pinagkakitaan lang ng dalawang market operators ang mga nagtitinda sa kanilang pinapatakbong palengke pero hindi nito ibinigay ang dapat mapunta sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

Facebook Comments

From Advertisers