2 pang hinihinalang suspek sa madugong parliament building terror attack sa London, naaresto ng British Police

33

Manila, Philippines – Naaresto ng British police ang dalawa pang hinihinalang suspek kaugnay sa madugong terror attack sa parliament building sa London, England.

 

Ang mga suspek ay nahuli sa West Midlands at Northwest ng kanilang bansa.

 

Ibinunyag din ang totoong pangalan ng pangunahing suspek ni Khalid Masood na si Adrian Russel.

 

Sa ngayon ay siyam na katao pa ang nananatali sa kustodiya ng mga pulis habang ang isang babae ay pinalaya na matapos itong makapag pyansa.

 

Nabatid na limang katao ang nasawi sa naturang insidente kabilang ang prime suspek habang halos 50 naman ang sugatan.


Facebook Comments