2 pang pasyente ng COVID-19 sa Marikina City, nasawi batay sa tala kahapon ng CHO

Pumanaw ang dalawang pasyente ng Marikina City na tinamaan Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19).

Batay sa tala kahapon ng City health office ng Marikina City, nasa apat na ang nasawing pasyente na apektado ng nasabing virus.

Naalarma naman ang lungsod dahil walo ang naidagdaga na bilang ng kaso ng COVID-19, kung saan mula sa 12, umabot na ito ng 21 base sa pinakabagong tala kahapon.


Kaya naman panawagan muli ng pamahalaan lokal ng nasabing lungsod na Manatili lamang sa loob ng bahay, gawin ang one-meter social distancing at Palagiang maghugas ng kamay gamit ang germicidal soaps o mag-sanitize ng kamay.

Dagadag pa niya na iwasan muna na hawakan ang mukha, mata, ilong, at bibig at Kapag may ubo o sipon, magsuot ng face mask o Observe coughing etiquette o awtomatikong pagtatakip ng bibig at ilong sa tuwing umuubo, ganoon din kapag bumabahing.

Facebook Comments