2 pang tauhan ni Abu Sayyaf Group leader Radulan Sahiron, sumuko sa militar sa Sulu

335

Sumuko sa Joint Task Force Sulu ang dalawang tauhan ni Abu Sayyaf Group leader Radulan Sahiron kaninang umaga.

Ayon kay JTF Sulu Spokesperson Lt. Col. Ronaldo Mateo ang mga sumukong ASG member ay sina alyas “Jepoy”, 35 anyos, at Abu Omar, 26 anyos.

Isinuko rin ng dalawa ang kanilang M16 rifle at M79 grenade launcher.

Inamin ng dalawa na nahikayat sila ng kasamahan na si Amah Adin na una nang sumuko sa militar.

Ngayong buong linggo, sinabi ni Mateo na 10 miyembro ng Abu Sayyaf ang sumuko sa JTF Sulu na tiyak aniyang magpapahina sa grupo ni ASG leader Mundi Sawadjaan.

Facebook Comments