
Dalawang indibidwal na parehas na may warrant of arrest ang hinarang at inaresto ng mga operatiba sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Sa pinagsanib-pwersa operasyon na isinagawa ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Inaresto ang isang wanted person kaugnay nang napakaraming warrant of arrest na inisyu ng Sandiganbayan sa kaniya kabilang na ang malversation of public funds through falsification.
Nakatakdang sumakay ng flight papuntang Seoul, South Korea ang akusado.
Hindi ito nakapagpakita ng release order na mula sa korte kaya diretso ang akusado sa kustodiya ng CIDG para sa kaukulang disposisyon.
Isa pang pasahero ang hinarang at inaresto sa NAIA Terminal 1 ng PNP Aviation Security Group sa pakikipagtulungan sa Manila Police District.
Habang pasakay na sana ang isang foreign national na 47 taong gulang at isang businessman sa US.
Sa isang flight papuntang Los Angeles, nang isilbi ng mga awtoridad ang isang warrant of arrest mula sa Manila Regional Trial Court Branch 29 para sa paglabag nito sa Republic Act 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”.
Inaresto ang foreign national at dinala sa warrant and subpoena unit ng Ermita Police Station 5 ng Manila Police District habang pinoproseso ang kaniyang kaso na mayroong piyansa na nagkakahalaga ng ₱72,000.