2 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Cabadbaran City

Butuan, Philippines – Dalawa ang nasawi at isa ang sugatan sa pamamaril ng

riding in tandem sa Brgy. Mabini, Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Kinilala ng Cabadbaran PNP ang mga napatay na sina Antonio Cailing ng Brgy


9, Cabadbaran City at Dario Broa isang billiard pin boy, residente ng Brgy

Basilisa bayan ng RTR.

Sugatan naman si Vicente Galo na patuloy pang ginagamot ngayon sa Agusan

del Norte Provincial Hospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naglalaro lang ng bilyar sa loob

ng Tophers Billiard Hall ang dalawang biktima na sina Cailing at Broa ng

bigla na lang itong pagbabarilin dalawang hindi pa nakikilalang armadong

lalaki.

Sinasabing, nadamay lang sa pamamaril ang isang tricyle driver na si Galo

na bumili lang ng katol sa tindahan sa lugar kung saan nangyari ang

pamamaril alas nuwebe kagabi.

Facebook Comments