2 patay, 138 na katao isinugod sa ospital matapos ang malakas na lindol sa Jaro Leyte ayon sa PNP

Manila, Philippines – 2 patay 138 na katao isinugod sa ospital matapos ang malakas na lindol sa Jaro Leyte.

Kinumpirma ni PNP region 8 Spokesperson Police Chief Inspector Bella Rentuaya na dalawa ang naitalang nasawi sa naganap na malakas na pagyanig sa Leyte.

Aniya ang dalawang nasawi ay mula sa Ormoc at kananga Leyte.


Habang 138 na katao mga lugar sa region 8 na naapektuhan ng malakas na lindol ang isinugod sa ospital.

15 rito ay dahil sa psychological stress,40 na-admit sa ospital, isa ang naputulan ng paa, sampu ay isinailalim sa minor operation at 40 ay outpatient.

Nagpapatuloy naman ang monitoring na ginagawa ng PNP region 8 na.

Facebook Comments