2 patay, 4 sugatan sa pagsabog ng bomba sa Maguindanao

58

Patay ang isang pulis at isang driver matapos sumabog ang isang bomba nang tumama ito sa police vehicle sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao, Huwebes ng gabi.

Ayon kay Police Colonel Arnold Santiago, ang pagsabog ay nangyari sa madilim na bahagi ng kalsada bandang alas-8:30 ng gabi.


Nasa 300 metro na lamang ang mga biktima bago dumating sa provincial police headquarters.

Kabilang sa mga sakay ng sasakyan ay ang Chief of Police ng bayan na si Police Major Erwin Tabora.

Paniniwala ni Santiago, posibleng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasa likod ng pagsabog.

Nasa apat pang katao ang nasugatan sa insidente.

Bago ito, napatay ng mga pulis ang isang sniper at bomber na pamangkin ng Kumander Bungos ng terror group.




Patuloy pa rin ang imbestigasyon.

Facebook Comments