2 patay, 50 sugatan sa karambola ng higit 100 sasakyan sa China

Guizhou Province, China – Patay ang dalawang katao habang hindi bababa sa 50 ang sugatan matapos magkarambola ang higit 100 sasakyan sa Guizhou Province, China.

Nangyari ito sa pagitan ng Sinan-Jianhe at Jiangkou-Weng-‘an expressways.

Ang karambola ay resulta ng madulas na kalsada bunsod ng pagbaba ng temperatura at walang humpay na pag-ulan.


Nagtaas na ng yellow warning ang China Meteorological Administration dahil sa nararanasayang niyebe.

Patuloy na iniimbestigahan ang pangyayari.

Facebook Comments