2 patay habang 4 nawawala sa pinsalang iniwan ng bagyong Haishen sa Kyushu, Japan

70

Dalawang tao ang nasawi habang apat ang nawawala at mahigit 100 ang nasugatan sa pinsalang iniwan ng bagyong Haishen sa Kyushu, Japan.

Ayon sa mga otoridad, nasa 23,000 katao na ang inilikas sa 11 prefecture dahil sa lakas ng hangin at pag-ulan dala ng bagyo.

Bagama’t patungo na sa Korean Peninsula ang bagyo, nagbabala pa rin ang Japan Meteorological Agency na magdudulot pa ito ng matinding pag-ulan.

Inaasahang magbabalik naman ngayong araw ang operasyon ng mga train at ilang mga negosyo sa lugar.

Facebook Comments