2 patay, matapos pagbabarilin sa Tondo Maynila

Manila, Philippines – Magkasosyo sa negosyo ang isang lalaki at isang babae na pinagbabaril at napatay sa loob ng isang bahay sa Area A Gate 1 Parola Compound Tondo Maynila mag-aalas nueve kagabi.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Rodolfo Garcia, 39yo, at residente ng Gate 16.

Isinugod naman sa Gat Andres Hospital si Charito Aninang, 46yo, ngunit binawian din ng buhay.


Ayon sa kapatid ni Rodolfo na si Edna Garcia, magkasosyo sa piso net ang dalawang biktima at posibleng may kinalaman sa negosyo ang motibo sa krimen.

Hawak na ng Manila Police District-Homicide Division ang CCTV camera footage kung saan makikita ang apat na lalaki na pumasok sa bahay.

Pawang nakasuot ng sumbrero ang mga suspek at sumakay sa dalawang motorsiklo paalis sa lugar.

Narekober ng SOCO ang anim na basyo ng bala ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril sa crime scene.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang pamamaril.

DZXL558

Facebook Comments