2 patay sa pamamaril, 2 wounded sa pagsabog ng Granada sa Maguindanao

24

Sugatan ang dalawang vendor ng barbecue matapos masabugan ng Granada sa Brgy. Rebuken Sultan Kudarat pasado alas syete sabado ng gabi.
Ayon sa mga kaanak ng mga biktimang sina Bai Orogan Murod, 45, at Rackma Tarim, 47, kapwa mga residente ng Rebuken, abala sa kanilang pagbebenta ng BBQ ang mga biktima ng biglang dumaan ang isang motorsiklo na sakay ng dalawa katao, isa sa mga ito ang bigla na lamang nanghagis ng Granada.
Agad namang naisugod sa pagamutan ang mga biktima matapos magtamo ng mga sugat mula sa pagsabog.
Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon kung sino at kung ano ang dahilan ng insidente

Patay ang isang ukay – ukay vendor at isang singko anyos na bata matapos mabiktima ng pamamaril sa Parang Maguindanao umaga ng sabado.
Ayon sa sa report na nakarating sa DXMY , sa di malamang dahilan ay pinagbabaril ng di nakilalang suspek ang ukay ukay vendor, nagkataon di umano na nakita ng singko anyos na bata ang hitman kung kayat walang awa rin nitong pinagbabaril.
Kapwa nagtamo ng fatal wounds ang mga biktima . Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan


Facebook Comments

From Advertisers