2, patay sa pamamaril ng isang menor de edad sa isang paaralan sa California!

Patay ang dalawang estudyante habang tatlo ang sugatan sa panibagong shooting incident sa isang paaralan sa Los Angeles, California.

Kinilala ang suspek na si Nathaniel Berhow, 16-anyos.

Ayon kay Los Angeles county sheriff department Capt. Kent Wegener – saktong kaarawan ng suspek nang isagawa nito ang pamamaril sa Saugus High School.


Dahil sa insidente, pansamantala na munang isinara ang ilang paaralan at mga kalapit na establisyemento sa lugar.

Facebook Comments