2 patay sa pananaksak sa Taguig

Taguig City – Patay ang dalawang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanilang mga kainuman sa South Daang Hari Taguig City.

Sugatan naman ang kinakasama ng isa sa mga biktima.

Ayon sa kinakasama ng isa sa mga nasawi, matutulog na sila nang may lalaking naghanap sa kaniyang ina kaya lumabas ang kaniyang kinakasama.


Pero nagulat na lang raw siya ng tumatakbo pabalik sa kanilang kwarto ang kinakasama na may saksak na sa katawan.

Isang lalaki pa raw ang pumasok sa kanilang bahay at siya naman ang sinaksak.

Napatay din ang kinakasama ng kaniyang ina na nakatira malapit lamang sa kanila.

Inaalam na ng pulsiya ang motibo sa pananaksak ng suspek.

Facebook Comments