2 PESOS NA DAGDAG-SINGIL SA RESIDENTIAL, IPINATUPAD NG ISELCO 2

Nagpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente ang Isabela Electric Cooperative 2 (ISELCO-2) ngayong buwan ng Nobyembre 2022.

Batay sa abiso ng kooperatiba, ito ay pagtaas ng P2.06/kWh na singil sa kuryente.

Ayon sa ISELCO 2, ito ay bunsod ng mataas na generation charge mula sa mga plantang pinagkukunan nila ng suplay ng kuryente.

Mula sa dating P17.29/kWh noong nakaraang buwan ay tumaas na sa P19.36/kWh ang singil sa residential.

Para naman sa Low Voltage, magiging P18.17/kWh na ang dagdag-singil mula sa dating P16.10 noong Oktubre habang magtataas na rin sa P16.38/ kWh para sa Higher Voltage mula sa dating P14.43/ kWh.

Sa SPug-Palanan naman ay may bahagyang pagtaas din ng dalawang sentimo mula sa dating P9.06/ kWh na ngayong buwan ay magiging P9.08/ kWh na.



Ito na ang ikatlong taas-singil sa kuryente ng ISELCO 2 simula sa pagpasok ng “ber” months.

Facebook Comments