
Patay na nang matagpuan ang dalawang sundalo na sakay ng nawawalang FA-50 Fighter Jet ng Philippine Air Force (PAF).
Ayon kay LtGen. Luis Rex Bergante commander, AFP Eastern Mindanao Command (EastMinCom) nasa loob mismo ng bumagsak na fighter jet ang 2 wala nang buhay na piloto.
Natagpuan ang aircraft sa Mt. Kalatungan Brgy. Mirayon Talakag Bukidnon kaninang alas-11 ng umaga.
Pagsasalarawan pa ni Gen. Bergante, totally wrecked o wasak na wasak ang aircraft.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang retrieval operations sa 2 piloto kung saan nagpadala na ng Special Forces ang EastMinCom sa lugar.
Inaalam narin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dahilan ng pagbagsak ng fighter jet.
Matatandaang nawala sa kasagsagan ng tactical night operation kahapon ng madaling araw ang naturang fighter jet ng PAF.