2 pulis, nagbarilan; Away, nag-umpisa dahil lang sa toothpick

397

Caloocan City – Nagtamo ng sugat sa hita ang pulis-Caloocan na si SPO1 Rommel Bautista matapos makipagbarilan sa isang pulis-Maynila na si PO2 John Paul Dela Fuente sa Mabini Street, Barangay 12, Caloocan.

Ayon sa isang saksi, nag-ugat ang barilan matapos makipagtalo ang pulis-Maynila sa isang Danny Sta. Maria na kumakain din sa lugar dahil lamang sa toothpick.

Kumuha aniya ng toothpick si Sta. Maria sa mesa ng pulis kaya’t nabastusan ito.

Galing naman ng simbahan si Bautista nang magsumbong ang kaibigang si Sta. Maria na nakaaway dahil sa tooth pick.

Nang dumating si Bautista sa canteen ay agad itong namaril dahilan para makipagpalitan ng putok so Dela Fuente.

Ayon sa mga testigo, unang namaril ang suspek na si Bautista.

Samantala, nasa 13 basyo ang narekober sa crime scene.

Facebook Comments