2 pulis sugatan sa pananambang ng NPA sa San Narciso, Quezon

141

Sugatan dalawang pulis makaraang tambangan Sitio Trangka, Brgy. San Juan, San Narciso, Quezon.

Sa inisyal na impormasyon mula kay Police Lieutenant Colonel Chitadel Gaoiran, ang taga-pagsalita ng Philippine National Police-CALABARZON, naganap ang pananambang kaninang alas 8:30 ng umaga.


Kinilala ang mga sugatan na sina Patrolman Ken Parco at Patrolman Ken Piamonte.

Sinabi ni Gaoiran, nagpapatrolya lang ang mga pulis nang bigla silang harangin ng hindi mabilang na miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Sa ngayon tinutugis na ng mga pulis ang mga nanambang na NPA.

Facebook Comments