2 sa nadagdag na napatay sa panig ng tropa ng pamahalahaan sa Marawi, pinugutan at sinunog

Marawi City – Nadagdagan pa ang mga sundalo at pulis na nagbuwis ng kanilangg buhay sa naganap na giyera sa Marawi City na ngayon ay umabot na sa 165.

Ito ay ayon kay Col. Romeo Brawner ang Deputy Commander ng Joint Task Force Ranao.

Aniya huling nadagdag sa bilang ang dalawang sundalo sinunog at pinugutan ng mga terorista.


Narekober ang bangkay ng dalawang sundalo kahapon habang ikinakasa ng militar ang matinding sagupaan laban sa mga kalaban.

Kaugnay nito umabot na rin sa 920 ang mga napatay na miyemro ng Maute ISIS group habang 1784 hostages o bihag ang kanilang nailigtas.

Facebook Comments