2 sugatan sa karambola ng 4 na sasakyan sa QC

19

Quezon City – Dalawa ang sugatan sa karambola ng apat na sasakyan sa Kamias Road corner Kalayaan sa East Kamias Quezon City.

Ayon kay PO1 Jomar Apongao ng QCPD Traffic Sector 3, isang jeep, isang motorsiklo at dalawang kotse ang sangkot sa sakuna.

Pasado ala sais kanina, isang pampasaherong jeep ang humaharorut patungo sa direksyon ng Anonas.

Pagewang-gewang ang takbo ng jeep na sumalpok sa kasalubong na motorsiklo sanhi upang magkarambola ang kasunod na dalawang kotse.

Nagtamo ng pinsala sa kanang paa at kanang kamay ang driver ng motorsiklo habang pinsala sa dibdib ang tinamo ng driver ng green na Crosswind na agad isinugod sa pagamutan.
Tinangka pa ng driver ng jeep na tumakas pero hinarang siya ng mga residente ng Barangay Pagsapit sa Kamias Road.

Facebook Comments