2 sundalo patay matapos makasagupa ang mga rebelde kanina sa Abra

Tinambangan ng Communist Terrorist Group ang tropa ng 24th Infantry Battalion sa Brgy Gacab, Malibcong, Abra kanina.

Ayon kay Lt. Col. Ricardo Garcia III, Battalion Commander ng 24IB, ang mga sundalo ay ni-recall bilang augmentation forces sa nagpapatuloy na rescue at relief operations sa Abra matapos itong yanigin ng magnitude 6.4 na lindol Martes ng gabi.

Dahil sa sagupaan, 2 sundalo ang namatay at isa naman ang sugatan.


Kasunod nito, mariing kinondena ng Philippine Army (P.A) ang nasabing insidente.

Tiniyak pa ni Garcia na hindi titigil ang pwersa ng pamahalaan hangga’t hindi nauubos ang mga rebelde at papanagutin ang sinumang nasa likod nito.

Facebook Comments