2 Suspected Bomber patay matapos manlaban sa militar sa Mlang North Cotabato

51

Patay ang dalawang hinihinalang mga bomb courier matapos manlaban sa mga elemento ng 7th IB sa Brgy. Sangat Mlang Nort h Cotabato pasado alas tres kaninang madaling araw.

Sinasabing sakay ng motorsiklo ang tatlo katao ng sitahin sa checkpoint ng military, sa halip na makipag ugnayan sa mga otoridad ay tumakbo ang dalawa sa mga sakay nito habang nagawang magpaharurot papatakas ng kanyang motorsiklo ang driver.

Nagawang magpaputok ng mga tumatakbong suspek kung kayat agad rin silang pinaputukan ng mga sundalo resulta ng kanilang kamatayan ayon pa kay 602nd Brigade Commnader Col. Alfredo Rosario sa panayam ng DXMY ngayong umaga.

Bukod sa kalibre kurentay singko narekober din sa mga nasawing suspected bomber ang isang bag na naglalaman ng Improvised Explosive Device na may component ng bala ng 61 MM dagda ni Col. Rosario.

Malaki ang paniniwala ng military na mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers ang mga napaslang na mga indibidwal.

Patuloy namang hinimok ni Mlang Vice Mayor Joselito F. Piñol ang lahat ng kanyang mga kababayan na lalo pang maging mapagmtyag lalo na sa mga nagpaplanong maghasik ng kaguluhan sa kanilang mapayapang bayan.

Matatandaang noong nakaraang araw dalawang IED ang narecover sa magkahiwalay na lugar sa Mlang.

Facebook Pic

Facebook Comments