2 tulak ng droga, arestado ng QCPD; ₱200,000 halaga ng shabu, nakumpiska

33

Nakumpiska mula sa dalawang tulak ng droga ang shabu na nagkakahalaga ng ₱204,000 sa ikinasang buy-bust operation sa No. 2 Posooy St. corner Malasimbo St., Brgy. Masambong, Quezon City.


Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brig. Gen. Ronnie Montejo ang mga suspek na sina Ramil Granada, 40-anyos, at Antonio Liwanag, 49, kapwa residente ng Marilao, Bulacan.

Isang confidential informant ang nag-report sa Police Station 2 sa illegal drug peddling activities ng mga suspek.

Isang police ang nagpanggap na poseur buyer na bibili ng shabu sa mga suspek na nagkakahalaga ng ₱8,500.

Nakuha sa kanila ang buy-bust money, shabu na may timbang na 30 grams ng shabu at cellular phone.

Facebook Comments